Back to zero lahat, pati popularity ng isang blogger syempre kasama na din dun followers niya, posts niya at kung paano siya nakilala dito sa tumblr. Yung parang lahat tayo dito hindi magkakakilala at tipong mga display picture natin dito ay yung parang sa anon, at tanging pinapansin lang ay yung posts nila. Ang sarap siguro ng ganun na kahit yung pinaka famous na filipino blogger dito back to zero din. Yung lahat tayo pantay pantay at sa isang iglap biglang mabubura sa dictionary ng tumblr ang word na famous. Para sa akin siguro mas magiging tahimik ang buhay ng bawat blogger kung nagkataon na ganun kasi walang issues, walang kahit ano basta’t simpleng pagblog lang tapos na. Pero hindi ganun eh, talagang ganito ang mundo sa tumblr; punong puno ng issues, kahit na nananahimik ka bigla nalang may magsasalita tungkol sayo. At hindi ibig sabihin nun ay dapat ka na din gumanti sa kanila or magwala or kung anung violent reaction mo sa mga ganun bagay. Siguro kung hindi tayo sanay sa ganitong sitwasyon, matuto nalang tayong mag adjust sa mga ibang tao dito. At kung ayaw mo talaga ng mga ganun, pwede namang hindi ka maki elam sa mga issues or pwede namang maging simpleng reblogger nalang. (sa akin lang yun ah) Kasi kung mapapansin niyo mas tahimik ang buhay ng mga reblogger dito sa tumblr, yung tipong may makita silang magandang post ayun reblog lang sila at sa simpleng ganun enjoy na sila. Sa huli, syempre na sa sainyo pa din kung paano niyo gusto patakbuhin ang buhay niyo dito sa tumblr. Na sa inyo din kung paano niyo gusto makitungo sa ibang tao dito sa tumblr, kung gusto niyo bang mapansin agad or yung tipong tahimik ka lang at mag express ng kung anung nararamdaman mo,lahat ng yan sa atin nakadepende. Kung ako tatanungin niyo masaya naman ako sa kung anung nangyayari sa akin dito sa tumblr. Normal ang dashboard ko, tahimik na pagblog, simpleng blogger at ayun may mga simple ngunit kakaibang mga mababait na kaibigan. Sana lahat tayo dito sa tumblr eh yung tipong tahimik na pagblog nalang at wala nang issues.
-
mister26 liked this
-
juanaliit liked this
-
myunendingdream liked this
-
tatangkaddinsishann liked this
-
beben-eleben liked this
-
rainingwishingstars liked this
-
shoutyourwhisper liked this
-
ralpsalazar liked this
-
joseptv liked this
-
ralpsalazar said:
Dati reblogger lang din ako. Pero natuto ko magkwento. Yun, para nga magexpress. Di naman kailangan maging famous. Kaya nakakatawa yung mga tao na big deal ang pagiging famous, yung iba, self proclaimed pa. Wag nalang pansinin. :)
-
blowjabs liked this
-
trisyana liked this
-
nebuladreamer liked this
-
dakilangpalengkera liked this
-
jaxxxstone liked this
-
iniiyakankitaa liked this
-
misterkiddo liked this
-
prinsesangbrownout liked this
-
abbytheplatypus liked this
-
girl-in-distress liked this
-
bittersweetcassy liked this
-
nachodancer liked this
-
kylecarpio posted this



