Share ko lang sa inyo yung experience ko kahapon sa first day of review ko sa ACAD1(STI campus, q.ave). Kahapon syempre hanapin yung room kung saan ka na assign then medyo awkward nung pagpasok ko sa room, may mga ibang students na din na nasa room then pag pasok ko lahat sila tinginan samen( Good thing is may apat akong classmates na kasama magreview). Tapos ayun hanap kame ng vacant na upuan then gusto sana namen makipag socialize sa mga kasama namen sa room pero awkward kasi nga first day at first time namen sila makita. Napagisip isip ko lang na siguro nga ganito din yung feeling sa first day ko pag college na, mas nakakahiya lang siguro nun at awkward kasi by that time hindi ko na kasama mga classmates ko, kumbaga ako na bahala sa sarili ko kung paano ako makakasurvive at kung paano ako makikipag interact sa kanila. Pero hindi naman magiging mahirap sa isang tao na makipag socialize sa ibang tao lalo na kapag medyo hasa na yang communication skills mo, kaya thankful naman ako sa SPEECH subject namen sa school. Then ayun nga ilang minutes after pumasok na yung professor from UP na magrereview samen, mabait naman siya madaling i approach, siguro isa siya sa mga mababaet na prof sa college dahil sabi nila hindi lahat dun mababait, minsan sobrang sungit daw nung iba. After naman nun on going yung review , unti unti na kameng nagiging comfortable sa isa’t isa ng mga classmate namen sa review. Medyo fun na, siguro nga yung magiging experience ko dito sa buong review days ko halos pwede na din ikumpara sa magiging experience ko sa college (Social life ha). Medyo masaya maka meet ng mga taong hindi pa namen kakilala, masarap kilalanin pero syempre hindi lahat pwedeng kaibiganin, dapat din tayong mamili ng mga taong kakaibiganin natin dahil hindi lahat sa kanila ay totoo. Tama? Minsan napagisip isip ko din na yung inuugali din natin nung highschool pa maaaring hindi na natin magawa eto sa college at maaaring magbago din pero syempre hindi natin maiiwasan ang pagbabago sa ating mga sarili. Eto marami pang araw ng pagrereview ang natitira, medyo excited padin syempre kaya enjoy padin ang bakasyon.
First Day of Classes.



