> Treat Women Right


   Hindi porket may mga luho ka sa buhay maaari mo nang sabihin na mayaman ka, dahil minsan yung iba sinasadya ang pagiging maluho para mapakita lang sa iba na nakakasabay sila sa mga may kaya sa buhay. 

What’s in a name?

  1. It simply represents your reputation
  2. It reveals your character
  3. It shows authority

RF: I love reading someone’s actions or behavior.

 Idk but after I read and learned how to read and understand some of the basics in human behaviour, I started to love observing someone’s gestures or their actions according to their situation and their mood. Sometimes I even observed some of my classmates during our class if they are bored with our teacher or with our discussion. I guess I can take this as an advantage for me to know if the person that I am talking to is interested with me or he/she is having this hesitation or anxiety.

During Physics Class. . .
Me: What's our topic for today?
Classmate: About sa Freefall movement . . .
Me: Ah, freefall? Diba tayo yun?
Classmate: Huh? (No idea)
Me: OO KAYA, MGA FREEFALL KAYA TAYO!
HEY FREEFALL OF THE UNIVERSE!!!
CLASSMATE: . . . . *sabay walkout!
HAHAHA!

  In this world we can’t just complain on the things that are happening around us. We can’t control or manipulate on what is most likely to happen based from our expectations. We can’t please everyone, we can’t just say what we want to say in order for them to know what we feel, we can’t control the reactions of others according to what you’ll say or what you’ll do.We must learn to accept the fact that everything in this world is unpredictable. We must adjust our actions according to the people that surrounds us. We should know how to adapt ourselves to the environment that you have in order for them to accept you or for them to be pleased with you.

Idk, bigla ko nalang nasabi sobrang layo ng topic namen hahaha! But it makes sense, lol. 

Idk, bigla ko nalang nasabi sobrang layo ng topic namen hahaha! But it makes sense, lol. 

I may be stronger than you but I also have this side of me that tends to be weaker than you are.

NOON: PBB TEENS
NGAYON: CHARICE! CHARICE! CHARICE!
HAHAHAHA!

Ang salitang PAG-IBIG ay madali lang hanapin pero ang salitang TUNAY ay kabaliktaran naman neto kung saan napakahirap matagpuan ito.

If talagang nasa kalooban mo ang pagtulong, hindi mo na kelangan maghintay pa na may magpasalamat sayo or magpapansin para pasalamat ka nila. 

Hey! Smile na, EVERYTHING IS GOING TO BE ALRIGHT.

I just want to share the elastic bands on my braces. LoL It hurts though it is for the improvement of my teeth. :D Ohh 8months left, I am going to miss my braces. 

SUSPENSION OF CLASSES.

   Naisip ko lang pag tuwing umuulan lalo na pag gabi tapos kinabukasan ay may pasok , lagi nating naiisip SUSPENSION OF CLASSES. Tama ba? Aminin man natin o sa hindi pero minsan nakakatamad din at masarap makisabay sa mga nananalangin na isuspinde  ang klase. Pero isipin niyo din, tulad ngayon malakas ang ulan sa ganitong oras nasa kanya kanya tayong mga bahay may sariling tulugan protektado sa ulan. Naisip niyo ba na may mga bata din sa labas na kahit ganyan kalakas ang ulan ang iba sa kanila ay nagpupumilit magbenta ng mga basahan o mga sampaguita para may pera sila para sa kanilang pag aaral. Ang iba sa kanila naman kung hindi nagbebenta ay walang maayos na tulugan o tahanan, kaya minsan wala din dapat ikasaya kapag tuwing malakas ang ulan dahil tuwing may bagyo, may mga taong nasasalanta din. Kanina naguilty ako dahil sabi ko sana suspended at lumakas pa ang ulan pero maya maya napagisip isip ko din na madameng nahihirapan dahil sa ulan samantalang ako dito sarap buhay. Kaya naman himbis na magsaya tuwing may malakas na ulan at ipagdasal na walang klase bakit di kaya natin ipanlangin nalang na safe and sound yung mga taong walang maayos na tirahan at naapektuhan tuwing may bagyo, ipagdasal natin na sana maging maayos yung mga bata sa kalsada para lang may ipangkain o ipangaral sila. 

UPCAT. . . . . UPDOG
DOWNcat
LEFTcat
RIGHTcat
Two strangers that made me realized some things.

  Dati nasa bus ako tapos may dalawang lalake sa harapan ko, natakot ako nun kasi yung mga itsura nila parang yung tipong hoholdapin ka na. Sobrang ingay nila nun sa bus tapos  puro dirty words pa lumalabas sa bibig nila tapos biglang nag caught ng attention ko yung topic nila. Pinaguusapan nila ang pagbili ng bagong cellphone, I guess they are both construction workers. Pero biglang sabi nung isa na hindi na muna daw siya bibili ng bagong cellphone or kung anung cellphone pa man daw yun dahil ipang aaral niya nalang daw yun para makatapos siya kahit vocational lang daw. Sagot naman ng kaibigan niya na ok na naman daw sila sa pag ka construction worker pero nagulat pa din ako sa sinagot ulit ng kasama niya na “May pangarap naman ako para sa pamilya ko”. Sa simula palang nagkamali ako kasi jinudge ko sila dahil sa pananamit nila dahil akala ko mga masasamang loob sila pero hindi pala. At nagulat na lang ako kasi di ko inaasahan na magiging ganun ang topic nila dahil simula nung pagsakay ko parang ang ingay nila parehas tapos non sense pa tapos biglang ganun. Medyo natamaan lang ako sa sinabe niya na ipang aaral nalang daw niya kasi ako eto atat sa mga bagong gadgets tapos dadating ang time na medyo tinatamad ako pumasok at naghihiling ng suspension ng mga klase samantalang may mga iba jan na nagpapakahirap, nagbubuhat ng kung anu anu para lang mapag aral ang sarili himbis na bumili ng mga bagay na hindi naman essential sa isang tao.