I am not choosy when it comes to what type of dance that I am going to perform. HipHop, Jazz, Cha-cha, Tango, Swing, Folk, Waltz, Boogie —-> Performed them all, except for ballet ( I will never dance that! ) hahaha. I just don’t like the steps or the way you should dance it. I usually dance jazz and hiphop, I like its steps and the way you should execute its every move in every beat.
Everything is going to be okay in the end.
If it’s not okay, it is not yet the end.
But if it’s all ok then it is the end.
Matagal na tayong may nakikitang post na ONLINE CHECK sa dashboard. Karamihan eto yung nakakakuha ng matataas na notes pero anu nga ba ang saysay nito sa ating dashboard? Simpleng salita lang itong mga ito, simpleng words,wala pa sa 15 letters ito pero bakit napaka interesado ng mga ibang bloggers dito? Natanong ko din sarili ko kung bakit ko nga din ito nagagawa? Sobrang tagal ko nang nag oonline check pero ngayon lang ito pumasok sa isipan ko? Bakit nga ba? Para kasi sa akin hindi sa notes ang dahilan kung bakit ako nag oonline check, kundi dahil para malaman kung gaano ka active ang dashboard sa oras na iyon. Minsan kasi kahit madaling araw pa iba iba yan eh, minsan madameng acitve minsan karamihan online. Siguro yun ang pinakadahilan ko sa pag oonline check, tska naging likas na rin sakin yan, wala pa akong two months ata noon dito nag oonline check na ako. Hahaha, ang weird kasi na mas nakakareceive ng mas maraming notes ang online check kesa sa mga mas may sense na post dito sa tumblr. Wala lang just a random thought. :D
Do I look different when I am wearing my eyeglasses?
It’s the other side of Kyle, the guy who wears eyeglasses and the guy with braces who sleeps late every night just to read his notes. Ugh! That’s why I am having the most common problem of teens nowadays, PIMPLES! hahaha
I just want to share it to everyone that I love reading books about Psychology though I won’t be taking Psychology as my course for college. I find those kind of books interesting and very useful. The book in these pictures is about stimulating positive emotions and boosting mental muscle.
Kung may health status lang ang tumblr community ng mga Pilipino, masasabi kong hindi ok ito. Kumbaga unti unti itong nagkakaroon ng disability, nagkakasakit at habang tumatagal lumalala ang pakiramdam nito. Bakit ko nga ba nasabi na ganun na ang tumblr community natin?
Una, unti unti na itong nabubulag, nabubulag na sa katotohanan at parang hindi na nito alam kung saang direksyon ba pupunta dahil hindi na niya nakikita ang nilalakaran nito, maaaring lumihis na ito ng landas. Nabubulag na ang tumblr community sa mga ibang bagay na wala namang kwenta pero pinagtutuunan padin ng pansin, hindi na natin makita ang tunay na “essence” ng pagblo-blog.At dahil din sa pagkabulag bihira na makita ng iba ang katotohanan sa isang tao, masyado na nagiging judgemental ang iba na tipong kahit di pa nila alam o nalalaman ang totoo nanghuhusga na agad sila. Sunod naman ay unti unti na ding nabibingi at napipipi ang tumblr. Nabibingi dahil sa paulit ulit na sinasabe ng bloggers, sa sobrang bingi natin hindi na natin marinig ang sinasabe ng iba. Tama? Minsan yung mga masasamang bagay nalang ang lagi nating naririnig at nasan na yung mga magagandang bagay? Ito ay natatabunan ng mga hindi naman dapat. Minsan sa sobrang pagkabingi natin, hindi na natin malaman kung anu nga ba talaga ang sinasabe nila at syempre hindi na natin mawari kung anu ba ang tama o mali hindi natin alam kung sino ba talaga papakinggan natin, ihahintulad natin ito sa taong bingi na kahit paulit ulit mong sigawan hindi niya padin malalaman ang sinasabi mo hangga’t hindi mo ito sesenyasan, diba? Next naman ay napipipe na , baket? Dahil minsan hindi na din natin maintindihan ang mga sinasabe ng iba, yung tipong hindi na kayo magkaintindihan, dahil dun ay hindi na din natin alam ang mga sasabihin natin, at kung anu ano nalang ang nasasabi. Sunod ay ang pagkakaroon ng highblood, pwede nading short tempered. Oo, totoo dahil minsan sa simpleng bagay lang eh ang bilis na magalit ng ibang blogger jan, yung tipong masabihan mo lang ng konti kala mo kung sino na magwala. Hindi nila alam na minsan kaya nagsasabi ng mali ang iba sa ibang blogger eh para itama ang pagkakamali nila, masyado na nagiging close minded ang iba. Wag tayong masyadong mainitin ang ulo na sa simpleng bagay lang eh bash o mag wawala na sa dashboard, sana lang wag nang ganun.
Marami pang sakit o kapansanan na maaari nating ihahintulad sa tumblr community ng mga Pilipino. Sana wag na nating hayaan na lumalala ito, kung ang sakit sa totoong buhay ay may lunas o solusyon, ito pa kaya? Marami pang pwedeng gawin para mapaunlad ang community na ito, wag na tayong masyadong maging ignorant sa mga bagay bagay. Dahil pag lumalala ito baka tuluyang magkasakit na ang tumblr at hindi na maaaring gumaling pa,at kung ganun ang mangyayare unti unti nang mapipilitan na umalis ang ibang tao dito, at sadyang mawala nalang bigla ang iba.
*Wala akong nais na sabihing mali para sa mga may kapansanan po, ginamit ko lang ang term para itulad sa tumblr community.
Sobrang laki lang ng naitulong ng principle na ito, ang 90/10 principle. Ito yung 90 % sa buhay natin ay maaari nating macontrol o manipulahin samantalang 10% naman ng buhay natin ay hindi natin pwedeng macontrol tulad nalang ng mga kalamidad. Paano nga ba ito magagamit sa araw araw na sitwasyon sa ating buhay? Para sa akin simple lang, macocontrol mo lahat ng kilos mo, lahat ng sasabihin mo, lahat ng pwede mong gawin sa kapwa mo pero ang hindi mo pwedeng manipulahin ay ang reaksyon nila sa gagawin mo. Hindi mo naman pwedeng sabihin na dapat maging masaya ang isang tao sa oras na suntukin mo siya, diba? Sa oras na magamay niyo ito at iapply niyo ito, siguro mas magiging successful tayo, at ito yung paraan din para mapagaan ang iyong loob. Kung may problema ka, isipin mo lang ang 90/10 principle kung saan hindi mo pwedeng manipulahin ang reaksyon o kilos ng ibang tao. At lagi mo din isipin na hindi din nila ikaw pwedeng manipulahin o diktahan kung anu ang gagawin mo, kaya naman nasa sarili mo na yan, sariling desisyon mo kung paano ka makikitungo sa ibang tao nang sa ganon ay mas maging positibo ang mga magiging reaksyon ng mga bagay bagay.
Girls, sorry kung minsan mabilis kameng magselos pero yun ay dahil seryoso kame sa inyo at ayaw namen na mapunta sa iba ang babaeng minamahal namen.
Sow a thought and you reap an action;
sow an act and you reap a habit;
sow a habit and you reap a character; sow a character and you reap a destiny…
Think about it…
Hindi lahat ng ngiti ay totoo, minsan sa pag ngiti ng isang tao dun mo malalaman kung may problema ba siya o wala. Hindi lahat ng tao na nakangiti ay masaya o natutuwa, kung noon ang ngiti ay para ipakita na ikaw ay masaya pero ngayon ang ngiti na ay para ipakita na malungkot ka o may dinadama ka pang iba. Kahit ikaw sa sarili mo nakagawa ka na din ng pekeng ngiti, yung tipong kausap mo ang kaibigan mo at ayaw mo na mahawa siya ng kalungkutang dinadama mo kaya ang ginawa mo ay magsuot ng ngiti para itago lahat ng kalungkutan mo. Pero dapat tayong mag iingat dahil hindi lahat ng ngiti ay nakakagaan ng loob, minsan ang pagtitiwala sa mga ngiting iyon ang magpapahamak pa sa atin.




